Payo sa Aking Sarili

 Lahat tayo ay makakaranas ng problema kung saan mahihirapan tayong lampasan. Ngunit lagi mong ipaalala sa iyong sarili na kailangan mong maging matatag at hindi tayo susuko agad sa buhay. 

Tayo ay humihinga pa. Ang ibig sabihin ay gusto mo pang mabuhay. Ibig sabihin mayroon pa tayong hinahangad na magandang manyayari sa iyong buhay sa susunod na segundo, minuto, oras o araw sa iyong hinaharap. Bagamat hindi tayo sigurado sa kung ano ang mga ito, isipin mo kung bakit ninanais mo parin huminga o mabuhay? Ano ba ang tumutulak sa iyo upang mabuhay at magpatuloy? Ano ba ang iyong hangarin dito sa mundo? Bakit tayo binigyan pa ng pagkakataong mabuhay pa sa mundo?

Kailangan mong tanggapin at harapin ang katotohanan na kung saan alam mong hindi madaling mamuhay sa mundo. Ang pinaka importante ay kung pano natin iwawasto ang daan upang makabangon at magpatuloy sa iyong nais na paroroonan.

Hindi mo naman gugustuhing habang buhay na maging takot sa pagkadapa hanggang mamatay kanalang ng walang napag tagumpayan. Ano pa ang hinihintay mo? Bumangon ka at magpatuloy mamuhay!

Comments

Popular posts from this blog

Tamang pagsuot ng Facemask

"Pagsunod sa patakaran para sa ating kaligtasan."

Liham Pangangalakal (Halimbawa)