"Pagsunod sa patakaran para sa ating kaligtasan."
Namumuhay tayo ngayon na may pangamba dahil sa Covid 19 na nakapasok sa ating bansa. Maraming naapektuhan. Isa na doon ay ang ating pamumuhay.
Maraming napatigil magtrabaho dahil sa pandemya. Nahihirapan din tayong umusad at magsimula muli sapagkat may mga proseso pang dapat gawin bago tayo ay maaring makipagsapalaran sa ibang lungsod.
Hanggang kailan ba tayo mamumuhay ng may pangamba? May paraan ba para mabawasan at hindi dumami ang may Covid 19? May maitutulong ba tayo para sa kaligtasan ng ating kapwa at muling pag unlad ng ating bansa?
Mayroon! Ito ay ang pagsunod sa mga patakaran upang makaiwas sa sakit o maiwasan ang pagiging positibo sa Covid 19.
Maaaring may mga pasaway na mamamayan parin na hindi sumusunod ngunit gagayahin ba natin sila? Isipin nating ating pamilya. Huwag lang ang ating sarili.
Ang mga bagong patakaran na inilahad para tayo ay makaiwas sa Covid 19 at para rin sa ating kaligtasan. Para din sa ating pamilya. Kaya't ugaliin nating ang pagsuot ng mask kapag tayo ay nasa publiko o sa paligid ng mga tao. Lalo na kapag siya ay hindi galing sa ating lugar. Gumamit ng alkohol o maghugas ng kamay.
Kung ikaw ay may sakit. Huwag ka munang makipagsalamuha sa ibang tao. Manatili ka muna sa iyong bahay habang ikaw ay nagpapagaling. Kapag ikaw naman ay nakipagsalamuha sa nagpositibo sa Covid 19, kailangang manatili ka sa iyong silid sa loob ng 14 na araw.
Lagi nating linisin ang ating katawan upang tayo ay makaiwas sa sakit lalo na sa Covid 19.
Comments
Post a Comment