Posts

Liham Patnugot (Halimbawa)

    Mahal kong Patnugot,                   Ako po ay mag-aaral. Nais ko pong ibahagi ang aking karanasan sa ating paaralan. Hindi lamang ako ang nakakaranas nito, pati narin ang aking mga kapwa mag-aaral.                  May grupo po ng mag-aaral ang ating eskwelahan na nang aapi sa kapwa mag-aaral. Kinukuha po nito ang lahat ng baon namin kapag kame ay nakaksalubong nila. Lalo na po ang mga kababaihan.                  Lagi akong pumapasok ng may takot at pangamba dahil naaalala ang grupong iyon na nasa eskwelahan.                 Sana po ay masulusyunan ang problemang ito upang hindi na ako pumasok ng may takot pati narin ang akkapa mag-aaral.          ...

Liham Pangangalakal (Halimbawa)

 Raffy Tulfo Broadcast Journalist Mandaluyong City Manila,Philippines Ginoo: Ako po ay humihingi ng tulong para sa ating kababayan na si Jenifer Lopez. Ngayon ay nasa ibang bansa. Siya po ay inaabuso ng kaniyang amo. Hindi narin ito pinapakain ng maayos. Nais po sana niyang umuwi sa pilipinas at nagbabaka sakaling matulungan nyo siyang magkaroon ng negosyo dahil ayaw na po niyang mapalayo sa kaniyang pamilya. Labing limang taon narin po siyang nasa abroad. Sana po ay mabasa niyo ito at matulungan ang ating kakabayan.  Sumasainyo, Hanen Sama Sali

Tamang pagsuot ng Facemask

 Marami sa atin ang may maling paraan ng pagsuot ng isa sa pinaka mahalang produkto ngayon na facemask. Kailangan nating sundin ang tamang paraan ng pagsuot nito upang makakasiguro tayong ligtas tayo sa virus. Nakatala sa ibaba ang tamang paraan ng pagsuot ng Facemask. 1. Bago natin isuot ang facemask ay maghugas muna ng kamay. 2.Hawakan ang strap nito at siguraduhing natatakpan nito ang ilong at ang ating baba. 3. I-molde ang nose piece ng mask sa hugis ng ating ilong.

COVID-19 cases sisipa pa – DOH

  MANILA, Philippines — Ramdam na sa Pilipinas ang epekto ng Delta variant ng COVID-19 kaya asahan na ang patuloy na pagsipa ngbilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga susunod pang mga araw. Sinabi ni DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire na sumisipa at tumataas na ang kaso na sumampa sa 10,000 sa loob lamang ng isang araw nitong Biyernes at mahigit 11,000 kahapon. Naniniwala si Vergeire na ang mga naturang bagong kaso ng COVID ay maaaring dulot ng Delta variant na mas nakahahawa ng 60 porsyento kumpara sa orihinal na strain mula sa Wuhan, China noong 2019. “So nakikita na po natin na sumisipa na ang mga kaso, tumataas na po ang kaso, nararamdaman na po natin ang epekto ng Delta variant sa ating bansa. Amin pong nakikita, based on projections, tataas pa rin po ang mga kasong ito,” ayon kay Vergeire, sa isang public briefing. Idinagdag pa ng opis­yal na ang ipinaiiral ng pamahalaan na mas mahigpit na lockdowns ay naglalayon lamang na mapabagal ang pagdami ng COVID-...

DepEd: Enrollment sa Agosto 16 na

  MANILA, Philippines — Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 16 ang enrollment period o pagpapatala ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2021-2022. Magtatagal lamang ang enrollment period hanggang Setyembre 13, 2021, na siya ring petsa kung kailan itinakda ni Pang. Rodrigo Duterte ang unang araw ng klase sa public schools sa bansa. Anang Deped, ang first academic quarter ngayong SY 2021-2022 ay magsisimula ng Set­yembre 13 hanggang Nobyembre 12, 2021 habang ang second academic quarter ay magsisimula ng Nobyembre 15, 2021 hanggang Ene­ro 28, 2022. Itinakda naman ang Christmas break ng Dis­yembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022. Sa Enero 3, 2022 ay muling magpapatuloy ang klase ngunit magkakaroon ng mid-year break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5, 2022. Magtatapos ang school year sa Hunyo 24, 2022.Samantala, binigyan naman ng DepEd ang mga pribadong paaralan at mga state/local universities at colleges ng kal...

Ang aking Pilosopiya sa buhay

 Marami akong pinagsisihan sa aking nakaraan. Hindi ko nais pang maulit ang mga iyon sa kasalukuyan at sa hinaharap. Lalo akong naging maunawain sa aking kapwa. Kung saan, lagi kong inaalala kung ano ang magiging kalalabasan ng aking gagawin bago ko ito ipagpatuloy o bago ko ito gawin. Katulad na lamang ng pagbibiro sa aking mga kaibigan. Napagtatnto ko na hindi lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay maiintindihan ang aking pagbibiro o maiintidihan ako bilang ako.  Hindi lahat ng tao ay hindi pare-pareho ng antas ng pananaw sa buhay. Iyan ang aking pilosopiya sa buhay.

Ang Dakilang Tagapakinig ng ating dalangin

Sa tuwing ako ay nagdadasal, lagi kong dinarasal sa Kaniya na ako ay lagi niyang gabayan at panatiliing nakaakibat sa mg bagay na magpapasaya sa Kaniya. Kahit minsan, ako ay hindi nakapagdadasal, kung saan alam kong mali, lagi akong nakokonsensya. Isang araw, aking napagtanto na ang konsensyang aking nararamdaman  sa tuwing ako ay hindi nakapagdadasal ay siyang aking pinagdadasal sa Kaniya. Dahil ang konsensya kong iyon ang tumutulak din sa akin upang magdasal at nagpapaalala sa akin sa aking obligasyon. Napagtatnto ko rin sa araw  na yon na pinakinggan ng ng Maykapal ang aking mga dasal. Kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon para sa mga ito. Isa sa gusto ko sa tuwing ako ay nagdadasal ay alam kong lagi Siyang nakikinig. Dahil dito ay hinahanda ko ang mga panalangin ko na gusto kong matupad. Bagamat hindi ko pa alam kung kailan ito matutupad, alam ko namang tutuparin Niya ito sa tamang panahon at alam kong Siya ang nakakaalam sa kung ano ang nakakabuti at nakakasama sa...