DepEd: Enrollment sa Agosto 16 na
MANILA, Philippines — Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 16 ang enrollment period o pagpapatala ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2021-2022.
Magtatagal lamang ang enrollment period hanggang Setyembre 13, 2021, na siya ring petsa kung kailan itinakda ni Pang. Rodrigo Duterte ang unang araw ng klase sa public schools sa bansa.
Anang Deped, ang first academic quarter ngayong SY 2021-2022 ay magsisimula ng Setyembre 13 hanggang Nobyembre 12, 2021 habang ang second academic quarter ay magsisimula ng Nobyembre 15, 2021 hanggang Enero 28, 2022.
Itinakda naman ang Christmas break ng Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022.
Sa Enero 3, 2022 ay muling magpapatuloy ang klase ngunit magkakaroon ng mid-year break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5, 2022.
Comments
Post a Comment