Ang Dakilang Tagapakinig ng ating dalangin

Sa tuwing ako ay nagdadasal, lagi kong dinarasal sa Kaniya na ako ay lagi niyang gabayan at panatiliing nakaakibat sa mg bagay na magpapasaya sa Kaniya. Kahit minsan, ako ay hindi nakapagdadasal, kung saan alam kong mali, lagi akong nakokonsensya.

Isang araw, aking napagtanto na ang konsensyang aking nararamdaman  sa tuwing ako ay hindi nakapagdadasal ay siyang aking pinagdadasal sa Kaniya. Dahil ang konsensya kong iyon ang tumutulak din sa akin upang magdasal at nagpapaalala sa akin sa aking obligasyon. Napagtatnto ko rin sa araw  na yon na pinakinggan ng ng Maykapal ang aking mga dasal. Kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon para sa mga ito.

Isa sa gusto ko sa tuwing ako ay nagdadasal ay alam kong lagi Siyang nakikinig. Dahil dito ay hinahanda ko ang mga panalangin ko na gusto kong matupad. Bagamat hindi ko pa alam kung kailan ito matutupad, alam ko namang tutuparin Niya ito sa tamang panahon at alam kong Siya ang nakakaalam sa kung ano ang nakakabuti at nakakasama sa akin.

Ngayong araw lamang ay napagtanto kong lagi kong ipagdasal na lagi Niyang gawing mabuti at malinis ang aking intensyon sa lahat ng bagay na aking gagawin at lagi Niya akong palalahanan na tumulong sa aking kapwa at maging maunawain.


Comments

Popular posts from this blog

Tamang pagsuot ng Facemask

"Pagsunod sa patakaran para sa ating kaligtasan."

Liham Pangangalakal (Halimbawa)