Pasaway na Mamamayan

 

Isang umaga nagkita ang dalawang magkaibigan na sina Cherry at Alice, na muling nagkita pagkatapos ng ilang buwan.

Cherry: Magandang umaga, Alice?

Alice: Magandang umaga. Cherry?!

Cherry: Kamusta?

Alice: Heto, okay naman. Teka, matagal na tayo hindi nagkita ah.

Cherry: Oo nga Alice. Lockdown kase sa lugar namin netong nakaraan na buwan.

Alice: Sabagay. May mga ilang brgy. din saamin na naglockdown dahil dumadami nga raw ang may kaso ng Virus.

Cherry: Ilang lingo ba kayong na lockdown?

Alice: Halos isang buwan narin Cher.

Cherry: Nako. May mga tao kaseng pasaway at hindi nagsusuot ng mask pag lumalabas.

Alice: Tama ka. Ang mga bagong patakaran ay ginawa naman para sa ating kaligtasan.

Cherry. Tama. Sana ay sumunod naman ang mga kapwa natin nang tayo ay hindi na magtagal sa ganitong sitwasyon.

Alice: Sana nga Cher. Nga pala baka gusto mo bumisita sa bahay ah. Chat mo lang ako. Nang makapag usap naman tayo ng matagal tagal.

Cherry: Sige Alice. Chat nalang kita ah. Pag uwi namin, sasabihan nalang kita.

Alice: Oh pano? Mauna na ako Cher. Kita nalang tayo sa bahay niyo.

Cherry: Sige Alice.

Nagbeso-beso na ang dalawa at nag patungo na sa kanya kanyang pupuntahan.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Tamang pagsuot ng Facemask

"Pagsunod sa patakaran para sa ating kaligtasan."

Liham Pangangalakal (Halimbawa)