Chicken Pastil (Mindanao Special Dish) Recipe
Mga Sangkap:
Manok
Toyo
Mantika
Bawang
Sibuyas
Luya
Procedure:
Una. Pakuluan ang manok. Pagkatapos pakuluaan ng manok maghugas ng kamay at saka himayin ang pinakuluang manok. Itabi muna ito at hiwain ng pino ang mga ibang sangkap. Ang bawang, sibuyas at luya. Pagkatapos hiwain ang mga sangkap, magpainit ng mantika at gisahin ang bawang muna. Sunod ay sibuyas at ang panghuling gigisahin ay ang luya. Sikaping hindi masunog ang mga sangkap. Isunod naman ang hinimay na manok. Haluin mo lang ito at gisahin. Ilagay ang toyo pagkatapos ng limang minutong paggisa sa mga sangkap. Maaari mo rin itong lagyan ng ibang pampalasa katulad ng chicken knor cubes, namnam atbp.
Pagkatapos ng 45 minuto ng paggisa maari mo na itong ihanda. Kumuha ng dahon ng saging at maglagay ng kanin. Sa ibabaw ng kanin ilagay mo na ang iyong niluto na chicken pastil at balutin.
Comments
Post a Comment