Ang puno ng Pera

May lalaking na nagngangalang Troy. Ang kaniyang trabaho ay paglilinis ng sapatos. Hirap si Troy sa kaniyang pamumuhay dahil wala siyang maasahang iba. Hindi niya alam kung saan at kung sino ang kaniyang mga magulang.

Isang araw habang naghihintay ng malilinisang sapatos, siya ay naiihi at kumaripas ng takbo. Hindi niya namalayan na napadpad siya sa isang gubat sa paghahanap ng maiihian. Pagkatapos niyang umihi pabalik na san siya nang may nakita siyang kakaibang puno. Lumaki ang kaniyang mga mata nang nakita niya ang bunga ng puno. Ito ay pera. Napakaraming bunga na pera ang puno. Pinagkukuha ni Troy ang mga pera na bunga ng puno habang siya ay namamangha parin.

Inubos ni troy ang bunga ng puno. Napansin niya na padilim na ang paligid at naisipan niyang bumalik muna ito sa bayan at babalikan nalang niya ang puno.

Pagbalik ni Troy sa bayan siya ay tuwang tuwa dahil naisip niya na hindi na niya kailangang magtrabaho at hindi na siya mahihirapan dahil marami na siyang pera.

Namili si Troy ng maraming pagkain at mga kagamitan. Bumili rin siya ng bahay at lupa.Ngunit hindi siya tumutulong sa mga lumalapit sa kaniya na kailangan ang kaniyang tulong.

Isang gabi naisip ni Troy na balikan ang puno ng pera dahil naubos na ang kaniyang pera. Nang bumalik siya sa gubat, nakita niya ang puno ngunit wala na itong bunga. Pinag aalog niya ito. Nagulat si Troy dahil biglang gumalaw ang puno at nagsalita. Sinabi ng puno kay Troy na masama ang pamamaraan niya sa perang nakuha niya mula sakanya. Kaya't babawiin ito ng puno ng pera ang lahat. Ibabalik niya ang dating buhay ni Troy. Umiyak at nagmakaawa si Troy sa puno ng pera. Pinangako ni Troy na gagamitin na niya ang pera niya sa tama.

Dahil sa bukal sa pusong paghingi ni Troy ng kapatawaran at dahil sa kaniyang pangako, muling binigyan ng puno ng bungang pera si Troy sa huling pagkakataon.

Mula noon ay ginamit na ni Troy ang kaniyang pera sa tama at tumulong narin siya sa mga nangangailangan.


Comments

Popular posts from this blog

Tamang pagsuot ng Facemask

"Pagsunod sa patakaran para sa ating kaligtasan."

Liham Pangangalakal (Halimbawa)