Ang Lihim na kapangyarihan ng Prinsesa
Sa isang kaharian, may isang prinsesa na may busilak na puso at may tinatagong kapangyarihan. Ikinalulungkot ng prinsesa na ang kaniyang ama na siyang hari na may masamang pamamalakad sa mga kaniyang mga nasasakupan. Ang kaniyang ina naman ang syang katuwang ng prinsesa na tumulong sa mga mahihirap na nasasakupan nila.
Ang kapangyarihan ng prinsesa ay ipinagkaloob ng diwata na siyang natulungan ng kaniyang ina noong panahon.
Isang araw, galit na galit ang hari sapagkat siya ay nagugutom. Sa sobrang galit niya ay nag utos ito na walang makakakain sa loob ng isang linggo. Hindi narin naghatid ng mga gamot sa may mga sakit ang hari.
Malungkot ang prinsesa nang nabalitaan niya ang pangyayari. May mga lumala din ang sakit dahil sa hindi sapat na gamot.
Naalala ng prinsesa na sinabi ng kaniyang ama na kung sino man ang tumulong ay papalayasin niya sa palasyo at itatapon niya sa gubat. Hindi man gustuhin ng prinsesa ang sumalungat sa kaniyang ama, dahil sa kaniyang busilak na puso at sa kaniyang awa, hindi nakapag pigil ito at palihim na ginamot ang mga may sakit. Ginamit din ng prinsesa ang kaniyang kapangyarihan upang magkaroon ng mga kakainin ang mga taong nagutom dahil sa hindi makatarungang parusa ng kaniyang ama.
Nang malaman ng kaniyang ama ang pagtulong niya sa kanilang mga nasasakupan nagalit siya dahil hindi siya makapaniwalang mismong kaniyang mahal na anak ang sumalungat sa kaniya. Tinawag ng hari ang kaniyang mga kawal at pagalit na inutusan sila na kunin ang prinsesa at palabasin sa palasyo. Nagulat ang hari dahil walang naniwala sakanya. Inulit muli ng hari ang kaniyang utos ngunit wala paring may lakas loob na gawin iyon sa prinsesa. Biglang lumapit ang reyna at sinabihan ang hari na tumigil na ito sa kaniyang gawain. Ipinaliwanag din ng kaniyang ina na walang may gustong palayasin ang prinsesa dahil alam ng mga kanilang nasasakupan na siya ang nakagawa ng mga tungkulin na dapat ang hari ang gumagawa. Sinabi din ng reyna na nagawa lamang iyon ng prinsesa dahil hindi gugustuhin ng kanilang mahal na anak na magkaroon ng masamang historya ang kanilang kaharian.
Namulat ang hari at humingi ng patawad sa kaniyang mahal na anak at mahal na reyna at maging sa kaniyang mga nasasakupan. Sinabi ng hari na kaya lamang niya nabitawan ang mga utos na iyon dahil sa sobrang galit.
Natuwa ang mahal na reyna sa kaniyang mahal na anak dahil sa kaniyang pagiging matapang at matulungin. Nagpasalamat ang rayna sa mahal na prinsesa dahil ginamit nito ang kaniyang kapangyarihan sa tamang paraan.
Mula noon, namuhay na ng mapayapa ang kaharian.
Comments
Post a Comment