Ang aking mahiwagang Pusa
Mayroon akong alagang pusa na ibinigay ng isang matanda na aking natulungan sa daan. Pinangalanan ko ito ng Wanwan.
Si Wanwan ay napaka lambing at mabait na pusa. Araw-araw ko itong pinapaliguan. Lagi kaning magkasabay kumain. Minsan ay naglalaro kaming dalawa. Nawawala ang aking pagod at lungkot kapag siya ay kasama ko. Kaya naman di nagtagal ay napamahal na sa akin si Wanwan.
Isang araw, ako ay nagkasakit. Naninibago ako kay Wanwan dahil lagi siyang lumalapit sakin at umiikot sa aking mga paa. Kinabukasan, bumalik ang aking sigla.
Lumipas ang ilang buwan, ako ay dinala sa hospital dahil bigla na lamang ako nahimatay. Pagdilat ko nakita ko si Wanwan na nakapatong saaking tiyan at pinupunas ang kaniyang ulo sa may tiyan ko. Dumating ang doktor para ako ay suriin muli. Sinabi ng doktor na maayos na aking kalagayan. Natuwa pa ang doktor dahil mabilis raw akong gumaling.
Nakauwi na kame sa bahay nang biglang napansin ko na naghihina si Wanwan. Sinubukan ko siyang pakainin ngunit hindi ito kumakain. Tila bang nanghihina at walang ganang kumain. Lumipas ang dalawang araw at wala paring lakas si Wanwan. Umiiyak na ako dahil naalala ko ang aming paglalaro noong siya ay masigla pa.
Lumabas ako para bumili ng gamot at may nakita akong bata na tumatawid habang may papalapit na sasakyan patuno sa kung saan ang bata. Agad naman akong tumakbo at iniligtas ang bata. Nang kami ay tuluyang nakatawid bigla akong nasilaw sa liwanag at nagulat dahil ang bata na aking tinulungan ay naging matanda. Ang matandang iyon ang aking natulungan din noon at ang nagbigay saakin kay Wanwan.Tinanong ng matanda kung kumusta na ang pusa na binigay niya saakin. Paiyak ko naman siyang sinagot na nanghihina na ang kaniyang pusa. Pinatahan ako ng matanda at sinabing huwag akong mag alala dahil gagamutin niya si Wanwan.
Umuwi na ako sa bahay kasama ang matanda. Hinimas lamang ng matanda si Wanwan at bigla itong sumigla. Tuwang tuwa ako noong nakita ko si Wanwan na masiglang muli. Sinabi ng matanda sa akin na ang dahilan ng paghina ni Wanwan ay dahil ginagamot ako nito at nalilipat kay Wanwan ang kahinaan ko. Napaiyak ako at niyakap ko si Wanwan ng mahigpit. Nagpasalamat din ako sa matanda dahil sa kaniyang paggamot kay Wanwan. Sabi namn ng matanda saakin ay sinusuklian lang niya ang aking kabutihang asal.
Simula noon ay iniiwasan ko nang magkasakit. Inalagaan ko na aking sarili dahil ayaw ko nang manghina muli si Wanwan.
Comments
Post a Comment